Central Mali Map
Central Mali

Nasa 100 katao ang napatay sa pang-aatake sa isang bayan sa central Mali.

Naganap ito sa Sobane-Kou malapit sa bayan ng Sanga sa Mopti region na sinasabing kagagawan ng Dogon ethnic group.

Nagsasagawa pa ng search and rescue operations ang mga otoridad.

Ayon sa mga otoridad na mula pa noong nakaraang buwan ay may mga nagaganap ng mga pang-aatake ang iba ay mula sa ethnic war habang ang ilan ay kagagawan ng mga jihadist group.

Wala pa ng grupong umako sa nasabing pang-aatake.