-- Advertisements --
Patay ang nasa 100 katao matapos ang paglubog ng sinakyan nilang bangka sa north-central Nigeria.
Sinasabing overloaded ang nasabing bangka na may sakay ng nasa 300 katao.
Isa rin sa dahilan ng pagbaligtad nito ay ang sama ng panahon kung saan ilang araw ng nakakaranas ang lugar ng malakas na pag-ulan.
Karamihan sa mga biktima ay bisita isang kasalan na kanilang dinaluhan sa Kwara State.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad habang dinala na sa pagamutan ang ilang mga biktima.