-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay ang isang drug suspect at isa ang nakatakas sa Inilunsad ng Oplan Paglalansag Omega ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-BARMM) sa Maguindanao.

Nakilala ang nasawi na si Salikin Pandita habang nakatakas naman ang most wanted na si Tony Bolagen.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Donald Madamba na nagpatupad ng search warrant ang mga tauhan ng CIDG-BARMM Maguindanao Field Unit katuwang ang militar sa Brgy Kakal Datu Paglat Maguindanao.

Nanlaban ang mga suspek kaya gumanti ng putok ang raiding team.

Nasawi sa barilan si Pandita habang nakatakas naman si Bolagen.

Sa ngayon ay pinaigting pa ng CIDG-BARMM ang kanilang operasyon laban sa mga wanted person at criminal groups sa Bangsamoro Region.