-- Advertisements --

Nagtala ng isang katao ang nasawi at marami ang nasugatan matapos na araruhin ng sasakyan ang ginaganap na gay parade sa Berlin, Germany.

Dinala na agad sa pagamutan ang mga sugatang biktima sa insidente na nangyari sa Tiergarten park.

Dahil sa pangyayari ay hindi na itinuloy ang taunang pride event na tinawag nilang “Christopher Street Day”.

Patuloy na tinuutugis ng mga otoridad ang driver ng sasakyan na mabilis tumakas matapos ang insidente.