-- Advertisements --
Patay ang isang katao habang siyam na iba pa ng ang sugatan matapos ang pagguho ng malaking bahagi ng chemical treatment sa Longview, Washington.
Kabilang sa mga sugatan ay ang walong empleyado at isang bumbero.
Base sa inisyal na impormasyon, na bigla na lamang nagkaroon ng pagkasira ang tangke na naglalaman ng mga chemical mixture sa Nippon Dynawave Packaging Co. facility in Longview, Washington.
Paglilinaw ng mga opisyal na walang anumang banta sa kalusugan at maging sa publiko ang insidente.
Ang nasabing tangke ay may kakayahan na magkarga ng 80,000 na gallons kung saan nasa 60 percent ang laman noong nangyari ang aksidente.
Mabilis din naapula ng mga otoridad ang naganap na malaking sunog sa nasabing planta.















