CENTRAL MINDANAO-Patay ang isang opisyal ng barangay at sugatan ang kanyang angkas nang ma hit and run sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang nasawi na si Rene De Pedro Lantorio,45 anyos,may asawa,Barangay Kagawad at residente ng Purok 4 Barangay Minapan Tulunan North Cotabato.
Sugatan naman si Delfin Labayo Paclibar, 50 anyos,may asawa, manggagawa at nakatira sa Brgy Bual sa bayan ng Tulunan.
Ayon sa ulat ng Cotabato PNP,lulan ang mga biktima sa isang Honda XR 200 na motorsiklo papauwi na ng bayan ng Tulunan ngunit pagsapit nila sa Brgy Singkatulan Makilala Cotabato ay binangga sila ng hindi matiyak na kasalubong na sasakyan.
Tumilapon sa motorsiklo ang mga biktima at iniwan lamang ng driver na nakabangga sa kanila.
Naisugod sa pagamutan ang mga biktima ngunit binawian ng buhay si Lantorio.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Makilala PNP sa naturang pangyayari.