NAGA CITY – Dead on the spot ang isang motorista habang sugatan naman ang isa pa sa aksidente sa Guis- Gus Lutucan National Road, Barangay Lutucan, Malabag Sariaya, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), nabatid habang binabaybay ng motorsiklong minamaneho ni Maxcel Torres De Castro, 26, ang kahabaan ng kalsada sa natrurang lugar nang biga nitong makasalubong ang isa pang motorsiklo na minamaneho naman ni John Argei Galit Peria, 26.

Kinain umano ng motorsiklo ni Peria ang linya ni De Castro na naging dahilan ng pagbanggaan ng dalawang sasakyan.

Dahil sa malalang tama na tinamo ni Peria, agad itong binawian ng buhay habang itinakbo naman sa ospital si De Castro na nagtamo rin ng mga sugat sa katawan.