CENTRAL MINDANAO-Patay ang isang kolektor ng isang lending company at sugatan ang kanyang kasama sa pamamaril sa probinsya ng Maguindanao.
Nakilala ang nasawi na si alyas Jade at sugatan naman ang kanyang kasama na si Reno Kaha.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Donald Madamba na sakay ng motorsiklo ang mga biktima sa Brgy Limpongo Datu Hoffer Ampatuan Maguindanao na bigla silang dikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek tangay ang motorsiklo,perang koleksyon ng mga biktima at personal nilang mga kagamitan.
Patay on the spot si alyas Jade na tinamaan ng bala sa ulo at likod habang naisugod sa Maguindanao Provincial Hospital si Kaha na ngayon ay nagpapagaling sa kanyang sugat.
Ang mga biktima ay kolektor umano ng isang lending company sa Midsayap Cotabato.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Datu Hoffer PNP sa pamamaril sa mga biktima.