-- Advertisements --

Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla na nananatili pa sa bansa ang puganteng bussinessman na si Charlie Atong Ang.

Ito ay matapos ang naiulat na sightings ni Ang sa bansa na hindi na muna tinukoy sa ngayon ng kalihim.

Ayon kay Remulla, matapos ang naging ulat na ito ay agad na nagkasa ng follow up operations ang mga otoridad kung saan personal na nakibahagi ang kalihim, ngunit hindi nila naabutan sa lugar ang pugante.

Tiniyak naman ni Remulla na nagpapatuloy ang mga otoridad sa pagsasagawa ng mga manhunt operations laban kay Ang base sa raw intelligence reports na kanilang nattanggap.

Samantala, sa ngayon, kinumpirma rin ng kalihim na mayroong kasama si Ang na siyang binubuo ng isang maliit na grupo.