-- Advertisements --

Pansamantalang itinigil ng Manila Police District ang panghuhuli sa mga walang pang-itaas na damit habang sila ay nasa labas ng kanilang bahay.

Ayon sa MPD, nais muna nilang humingi ng ilang paglilinaw sa ordinansang ipinapatupad sa nasabing lungsod.

Una rito ay umani ng batikos ang ilang ginawang panghuhuli ng mga barangay sa isang lalaki na walang pang-itaas na damit habang naghahalo ng semento.

Magugunitang ipinag-utos ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang paghihigpit sa Metro Manila gaya ng pagbabawal sa pag-iinunam sa kalsada, paninigarilyo, curfew sa mga bata ganun din ang pagbabawal sa walang damit pang-itaas.