Umapela si San Carlos Bishop at Caritas Philippines President Gerardo Alminaza sa mga kaparian, mga consecrated persons, at lay leaders na yakapin ang mas simpleng pamumuhay bilang pakikiisa sa mga mahihirap na labis na pinadapa ng umiiral na krisis sa langis.
Sa pamamagitan ng isang pastoral letter, binigyang-diin ng obispo ang matinding epekto ng global oil shortage na nag-ugat sa patuloy na giyera sa Gitnang Silangan.
Ayon sa prelado, ang tunay na misyon ng simbahan ay makikita sa daily realities around us, partikular na sa kalagayan ng mga mangingisda at mga tsuper na hindi na kayang tustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya dahil sa krisis.
Hinimok ni Alminaza ang mga lider ng Simbahang Katolika na harapin ang isang difficult truth.
Ipinaalala rin ng obispo na habang patuloy na humihingi ang publiko ng pananagutan mula sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno at malalaking korporasyon, kinakailangan din umanong mag-practice ng accountability sa loob ng simbahan ang mga kaparian at maging handang magsakripisyo.
Bilang pagtatapos, nanawagan si Alminaza na ibigay nang direkta sa mga nangangailangan ang anumang matitipid ng simbahan sa halip na itago ito.















