Catriona preliminary rampa

Hindi nakakalimutan ni Catriona Magnayon Gray ang home country nito sa isang buwan na lamang na reign bilang Miss Universe.

Ito’y matapos sorpresang bumisita sa Pilipinas ang 25-year-old Fil-Australian beauty para sa ilang aktibidad sa mga kabataan sa Tondo, Maynila, partikular ang Young Focus Child Care Center na siyang foundation na kanyang sinusportahan.

Idagdag pa rito ang iba pang endorsements ng pang-apat na Pinay Miss Universe.

Nitong Lunes nang inamin ni Cat na halu-halo ang kanyang nararamdaman para sa kanyang final photoshoot bilang 2018 Miss Universe.

Kokoronahan na ng Bicolana beauty ang bagong Miss Universe sa darating na December 8 (US time) sa Atlanta, Georgia.

Pambato ng Pilipinas ang Fil-Palestinian beauty na si Gazini Ganados na ipinanganak sa Zamboanga pero lumaki sa Cebu.