Pinapanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang one-meter physical distancing sa public transportation sa kabila ng naunang desisyon ng Department of Transportation (DOTr) na bawasan at gawin na lamang itong .75 meter.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nagdesisyon na ang Pangulong Duterte kasunod ng naging rekomendasyon ng Inter-Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF).
Ayon kay Sec. Roque, ginawa ni Pangulong Duterte ang desisyon kagabi matapos timbangin ang iba’t ibang posisyon ng mga eksperto.
Maliban sa pagpapanatili ng isang metrong distansya ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan, mandatory rin ang pagsusuot ng face mask, face shield at bawal ang pagsasalita o paggamit ng cellphone.
“Mananatili po ang one-meter distancing sa pampublikong transportasyon,” ani Sec. Roque. “Sasamahan din ng pagsuot ng face mask at face shield. Bawal ang magsalita sa mga pampublikong transportasyon.”