NAGA CITY- Patay ang isa katao matapos ang nangyaring pananaga Brgy. Ili, Caramoan Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Jaime Versoza 37-anyos habang ang suspek naman na si Porfilio Berja 52-anyos.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office CSPPO, sinasabing pauwi na umano ng bahay si Versoza ng mapadaan ito sa harap ng bahay ng suspek ng bigla na lamang nito itong habulin at pagtatagain.

Kaugnay nito, nagtamo ang biktima ng malalang tama sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan na naging rason ng agaran nitong pagkamatay.

Sa ngayon, patuloy namang pinaghahanap ang suspek na nananatiling at large habang patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo ng nasabing krimen.