-- Advertisements --

Umaabot sa 900 paaralan ang tuluyang nagsara dahil sa pagkalugi sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA) managing director Atty. Joseph Noel Estrada, ilan sa mga ito ay nasa mga lugar na highly affected ng deadly virus.

Maliban dito, may mahigit 100 pang nagsuspinde ng operasyon sa kolehiyo at unibersidad dahil sa kawalan ng kakayahang makapagbayad para sa ilang gastusin.

Nangangamba si Estrada na baka madagdagan pa ang mga magsususpinde at magsasara dahil sa mahigpit na paniningil ng buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR), kahit malinaw na walang kinita ang naturang mga paaralan.