-- Advertisements --

DAVAO CITY – Agad na isinailalim sa lockdown ang Barangay hall ng Catalunan Grande nitong lungsod kung saan Barangay kapitan ang asawa ni 1st district Rep. Paulo Duterte na si January Duterte na magpositibo sa covid-19 ang isa sa kanilang mga kagawad nga si Dario Lopez.

Dahil dito, nanawagan ang opisyal sa mga nakipag-usap sa nasabing kagawad noong Enero 10 hanggang 13 na pumunta sa barangay para sa isasagawang contact tracing.

Ayon kay Lopez, nawalan ng malay ang kanyang biyenan sa kanilang bahay dahilan na kanya itong tinulungan ngunit namatay ito at idineklarang nagpositibo sa Covid-19.

Ayon pa kay Lopez, nakapagsagawa pa siya ng pagdinig ng isang reklamo sa kanilang , dahilan na nanawagan siya sa mga tao na kanyang nakasalamuha.

Sa isang sulat, ipinaalam ni Barangay Captain January N. Duterte na temporaryong ipapasara ang barangay para mapadali ang contact tracing na ginagawa at para maprotektahan ang mga tao laban sa pagkalat ng Covid-19.