-- Advertisements --

Karagdagang 1.5 million pang doses ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) vaccine na gawa ng Sinovac ang dumating sa Pilipinas ngayong araw.

Kabilang sa pinakabagong shipment na ito ang 500,000 doses na binili ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc., na siyang pinaka-unang batch ng COVID-19 vaccines na dumating sa Pilipinas na binili mismo ng private sector.

Sa panibagong supply na ito, umakyat na sa 9 million doses ang COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac sa bansa.

Kabilang na rito ang 1 million na donasyon ng Chinese government.

Kung isasama ang iba pang brands ng COVID-19 vaccine na dumating sa Pilipinas sa mga nakalipas na buwan, kabuuang 13.2 million doses na ito.