-- Advertisements --
Pinipilit pa rin ni Meta CEO Mark Zuckerberg na pangunahan ng UFC ang laban nila ni TESLA CEO Elon Musk.
Kasunod ito sa unang pahayag ni Musk na wala pang pinal na pag-uusap ukol sa laban.
Nais kasi ni Musk na gawin ang laban sa Italy at ito ay magkakaroon ng live stream sa X at Meta ang social media company ng dalawa.
Una ng inamin ni UFC president Dana White na mayroon ng pag-uusap sa dalawang panig ukol sa laban.
Magugunitang nagkahamunan ang dalawa noon pang Hunyo ng maglabas ng interest si Musk ng cage fight kay Zuckerberg.