-- Advertisements --

Nais ni Senate President Juan Miguel Zubiri na tuluyang pagbawalan ang mga kumpanya na mula sa China na makakuha ng mga proyekto sa bansa.

Ang nasabing pahayag ay may kaugnayan sa water cannon incidents ng mga Chinese coast guard sa mga kasapi ng Philippine Coast Guard na magdadala lamang ng mga supply sa kasamahan nila na nasa Ayungin Shoal.

Ayon sa senador na kaniyang babanggitin sa budget hearing ang nasabing pag-boycott sa mga Chinese company at sa halip ay ibigay na lamang ang mga proyekto sa mga bansa na nararapat at kaalyado ng Pilipinas.

Bukod pa dito ay hinikayat din nito ang mga mamamayan huwag tangkilikin ang mga produkto na galing sa China subalit hindi naman sang-ayon dito ang mga ekonomista dahil sa karamihang mga nabibiling produkto sa bansa ay galing sa China.