Nasa US na ngayon ang singer na si Zsa Zsa Padilla para magpa-check up ng kaniyang impection at magpa-magnetic resonance imaging (MRI).

Sinabi nito na sasamahan siya ng kaniyang fiance na si Conrad Onglao para doon siya sa kapatid nitong doctor ito magpatingin.

Paglilinaw pa nito na noong nakaraang taon pa sana siya magpa-check up subalit dahil sa pandemic ay hirap siyang makakuha ng appointment.

Paglilinaw pa nito na wala siyang COVID-19 at ito ay magpapa-check up lamang.

Pinaalalahanan nito ang kaniyang fans na laging alagaan ang kanilang kalusugan.