-- Advertisements --

NAGA CITY – Positibo ang kampo ni Vice President Leni Robredo na mapapanindigan nito ang zero killings ngayon na nakaupo na ito bilang co-chairman ng Inter Agency Committee against Illegal Drugs (ICAD).

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay dating Naga City Coun. Jun Lavadia, malapit na kaibigan ng pamilya Robredo, sinabi nitong naniniwala siya sa kakahayahan ng opisyal na pamunuan ang nasabing ahensya katuwang si USEC. Aaron Aquino bilang chairperson nito.

Ayon kay Lavadia, naniniwala rin siya na magkakaisa si Robredo maging ang oposisyon sa pagsugpo ng iligal na droga sa bansa.

Kung maaalala, matapos ang pagpupulong kahapon sa pagitan ni Robredo at ng mga miyembro ng ICAD, nais ngayon ng Liberal Party na magkaharap din ang bise presidente at si Pangulong Rodrigo Duterte para sa iba pang paglilinaw sa posisyong ibinigay nito.