-- Advertisements --
Surpresang bumisita sa Norway si Ukrainian President Volodymyr Zelensky.
Dadalo ito sa pulong ng mga lider ng limang Nordic countries sa Oslo.
Makakapulong naman ni Zelensky si Norwegian Prime Minister Jonas Gahr Stoere.
Isa kasi ang Norway na may matinding suporta sa Ukraine mula ng lusubin sila ng Russia.
Sinabi ni Stoere na magpapatuloy ang suporta ng Norway sa Ukraine hanggang tuluyang makuha nito ang kanilang tunay na kalayaan.