-- Advertisements --

Patuloy ang panghihikayat ni Ukranian President Volodymyr Zelenskyy sa mga bansa na gawin silang miyembro ng North Atlantic Treaty Organization (NATO).

Sa kaniyang talumpati sa Vilnius, Lithuania kung saan gaganapin ang pagpupulong mga NATO members, sinabi nito ang kahalagahan ng NATO sa kanila.

Ang NATO umano ang magpapalakas sa kanilang bansa.

Mararapat na huwag ng magsayang ng panahon ang NATO at kunin agad sila na maging miyembro.

Sinabi naman ni NATO chief Jens Stoltenberg na makakatanggap lamang ng membership invitation ang Ukraine kapag pumayag na ang mga kaalyadong mga bansa at kapag naabot ang mga kondisyon na kakailanganin.

Bukod pa dito ay kapag nagpasya ang mga bansa na tanggalin na ang requirement of membership action plan sa Kyiv.

Ang nabanggit aniya nitong hakbang ay magpapabago sa membership path mula sa two-step process ay magiging one-step process na lamang.