Patuloy ang panghihikayat ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa mga world leaders na bilisan ang desiyon para labanan ang panghihimasok ng Russia sa kanilang bansa.
Sa kaniyang talumpati sa World Economic Forum sa Switzerland, ibinahagi ni Zelensky ang mga resulta ng pananakop ng Russia kung saan kumitil na ito ng maraming buhay.
Hiniling din nito ang pag-suplay ng mga bansa ng mga makabagong armas pandigma para tuluyang malabanan ang Russia.
Bago magsimula ang kaniyang talumpati ay nagkaroon muna ng moments of silence para sa mga biktima ng pagbagsak ng helicopter sa Ukraine na kabilang sa nasawi ang kaniyang Interior minister at 13 iba pa.
Patuloy na iniimbestigahan ang nangyaring pagbagsak ng helicopter at inalis nila ang anggulo na ito ay pinabagsak ng mga sundalo ng Russia.