Todo pasalamat si Ukranian President Volodymyr Zelensky sa patuloy na pagtulong sa kanilang bansa ni US President Joe Biden kasunod ng nagpapatuloy na mga missile hits.
Sinabi ni Ukrainian President Zelensky na nagkaroon siya ng tawag sa telepono mula kay US President Joe Biden at nagpasalamat ito para sa “walang uliran” na tulong na ibinigay ng Washington sa Ukraine mula nang sumalakay ang mga puwersa ng Russia noong pang buwan ng Pebrero.
Ayon pa sa kanya, hindi lamang ito nag-aambag sa tagumpay sa larangan ng nasabing digmaan, ngunit sinusuportahan din ang katatagan ng ekonomiya ng Ukrainian.
Giit pa ng pangulo ng Ukraine, pinahahalagahan din umano nila ang tulong na ibinibigay ng Estados Unidos upang maibalik ang sistema ng enerhiya ng kanilang lugar.
Una na rito, ang power grid ng Ukraine ay nasira mula noong Oktubre ng sunud-sunod na missile attacks ng Russia at drone strike, na nagdulot ng pagkaputol o pagkawala ng supply ng kuryente sa naturang bansa.
-- Advertisements --