-- Advertisements --
Nagkumahog umano si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na maibalik ang suplay ng kuryente mula sa Zaporizhzhia nuclear power plant.
Unang iniulat kasi ng International Atomic Energy Agency (IAEA) na ang natitirang external power line ng nuclear plant ay dalawang beses na natanggal mula sa power grid ng Ukraine dahil sa naganap na sunog.
Para maiwasan ang anumang pinsala ng radiation ay agad na pina-activate ng Ukrainian president ang generators.
Kahit na naibalik na ang suplay ay nananatili pa ring nakatanggal ang dalawang nuclear reactors.