-- Advertisements --
Muling iminungkahi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang dagdag na mga air-defense assets para tuluyang talunin ang pag-aatake ng Russia.
Ang nasabing panawagan ni Zelensky ay dahil sa ilang araw na patuloy na pag-atake ng Russia sa kanilang pantalan sa Odessa.
Dagdag pa nito na ang air defense systems na mula sa kanilang kaalyadong bansa ang tanging makakatalo sa pag-atake ng Russia.
Sa kanilang air defense kasi ay napabagsak nila ang siyam sa 19 na missiles ng iba’t-ibang uri na pinakawalan ng Russia patungong Odessa.
Magugunita isa na ang nasawi habang sugatan ang 19 na iba pa sa air-strike na ginawa ng Russia.