-- Advertisements --
Itinanggi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na sila ay natatalo na sa labanan nila ng Russia.
Sinabi nito na hindi siya humihinto na kausapin ang US at ilang bansa para humingi nt tulong militar.
Naniniwala din ito na hindi sila ta-traydorin ng US kahit na hinarang ng US Congress ang hirit ni President Joe Biden na $80-bilyon na military aide sa Ukraine.
Iginiit pa nito na ipinagtatanggol lamang nila ang kanilang bansa at ito ay naaayon sa kanilang konstitusyon.
Sa susunod na taon aniya ay handa silang gumawa ng ilang milyon na mga drones na gagamitin laban sa anumang pananakop.
Magugunitang mula ng Pebrero 2022 ng lusubin sakupin sila ng Russia na ikinasawi ng maraming mga sundalo ng magkabilang panig.