-- Advertisements --

Mariing itinanggi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang alegasyon ng Russia ng tangkang pagpatay sa kanilang pangulo na si Vladimir Putin.

Ito ay matapos ang naganap na drone attack sa Kremlin.

Sinabi ng Ukrainian president na hindi nila ugali ang atakihin si Putin o ang Russia.

Wala aniyang sapat na armas ang Ukraine para isagawa ang sinasabing alegasyon ng Russia.

Nakikipaglaban lamang sila sa kanilang teritoryo sa pamamagitan ng pagdepensa ng kanilang bansa.

Ipapaubaya na lamang nila sa mga mag-iimbestiga kung mayroong katotohanan ang alegasyon ni Putin.