-- Advertisements --

Nakatakdang makipagpulong ang United Nations Security Council kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky dahil sa patuloy na pagpapaulan ng rocket ng Russia sa Ukraie.

Sinabi ng Zelensky na ang nasabing pulong ay kasunod na mayroong halos 10 katao na ang nasawi at marami ang sugatan sa pagpapaulan ng Russia ng missile sa ilang kabahayan sa Kyiv.

Malinaw aniya na isang uri ito ng terorismo dahil sa maraming sibilyan na ang nadadamay.

Dahil sa nasabing pagpapaulan ng missile ay maraming bahagi rin ng Ukraine ang nawalan ng suplay ng kuryente na agad namang naibalik matapos ang ilang oras.