-- Advertisements --

Humirit ng dagdag na defense support si Ukrainian President Volodymyr Zelensky kay French President Emmanuel Macron.

Isinagawa ng Ukrainian President ang paghiling matapos makausap sa telepono ang pangulo ng France.

Tiniyak kasi ng pangulo ng France ang buong suporta para sa panunumbalik ng soberanya ng Ukraine ganun din ang seguridad at territorial integrity.

Natalakay din ng dalawang lider ang ginawang inspections ng International Atomic Energy Agency sa Zaporizhzhia nuclear power plant.