-- Advertisements --
Nanawagan si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa European Union ng mas mabigat na sanctioins sa Russia.
Ito ang naging hiling ng Ukraianian President ng personal na bumisita sa kanilang bansa si European Commission President Ursula von der Leyen.
Sinabi ng Ukrainian President na tila bumagal na ang EU sa pagbibigay ng parusa sa Russia matapos ang halos isang taon na pananakop sa kanilang bansa.
Tiniyak naman ni von der Leyen na kanilang papanagutin si Russian President Vladimir Putin sa ginawa nitong pananakop sa Ukraine na nagresulta sa maraming mga katao na ang nasawi.