-- Advertisements --

Hinikayat ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang mga lider ng European Union na ipakita nila ang malakas na pagkakaisa.

Sa kaniyang virtual na talumpati sa mga EU, nanawagan ito sa nasabing mga lider na gumawa ng mas mabigat na sanctions laban sa Russia.

Inihalimbawa pa nito ang kaniyang bansa na sa pamamagitan ng pagsasama-sama ay kaya nila itaboy ang puwersa ng Russia.

Nararapat din aniya na itigil na ang nagaganap na ‘internal quarrels’ sa loob ng mga EU.

Nagsagaw kasi ang EU ng pagpupulong para magkaroon ng kasunduan sa bagong sanctions na kanilang ipapataw sa Russia.