Dadalo si Ukrainian President Volodomyr Zelensky sa idaraos na Group of Seven (G7) Summit sa Japan na nagsimula ngayong araw Mayo 19 na magtatagal hanggang Mayo 21.
Ang nagpapatuloy na giyera sa Ukraine kasi ang pangunahing agenda sa naturang summit.
Nakatakda namang magpakita virtually si Zelensky sa pagpupulong ng G7 leaders ngayong araw kung saan magbibigay ito ng update sa kalagayan ng kanilang bansa sa gitna ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan nila ng pwersa ng Russia.
Inaasahan ding dumalo si Zelensky ng personal sa huling araw ng Summit sa Linggo, Mayo 21.
Samantala, tatalakayon din ng Group of Seven (G7) leaders ang pagpapataw ng mas mahigpit pa na mga economic sanctions laban sa Russia sa unang araw ng G7 summit.
Kabilang dito ang planong pagbabawal ng export ng mga dyamante ng Russia.
Inaasahang tatalakayin din ang mga isyu sa climate change, food security, health, at nuclear disarmament.
Nagkasundo din ang G7 leaders ng kanilang panibagong commitment na pagbibigay ng financial, humanitarian, military at diplomtic support para sa Ukraine.
Sinabi din sa isang statement na ang tuluyan at pag-suko nang walang kondisyon ng mga tropa ng Russia ay kailangan para sa inaasam na kapayapaan.
Binubuo ang G7 ng US, UK, Canada,France, Germany, Italy at Japan.