-- Advertisements --
Ipinaliwanag ni Ukrainian President Volodymyr Zelenky kung bakit naging mabagal ang ginagawa nila ngayon na counter-offensive.
Sinabi nito na ang hindi tumugma ang plano nila na dapat ay sa mga susunod pa na linggo nila ito isasagawa.
Nagkaroon din aniya sila ng problema sa mga bala at ilang mga tauhan na isinasanay para sa paggamit ng nasabing mga makabagong armas.
Bagamat nagkakaroon silang mga hirap sa pagdepensa ay tinitiiyak nito na mayroon silang magandang kaparaanan para malabanan ang Russia.