Tinawag na isang ‘miscommunication’ lamang ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang naging hindi pagkakaunawaan nila Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Ito ay matapos na umani ng batikos si Zamora dahil sa paglabag ng protocol sa checkpoint.

Sinabi pa ng San Juan Mayor na dinala niya sa pagamutan ang asawa nito na mayroong stage 3 breast cancer at para makapagpahinga na rin.

Tinawagan na mismo ni Zamora ang alkalde ng Baguio at sila ay nag-usap.

Nauna rito inireklamo ni Magalong ang hindi paghinto sa checkpoint ng anim na sasakyan ni Zamora at dumiretso sa Baguio Country Club.