-- Advertisements --
Zac Hanson
(photo: E News/ Today Show)

Todo pasalamat ang American singer na si Zachary “Zac” Hanson na hindi napuruhan sa kinasangkutang aksidente habang sakay ng kanyang motorsiklo sa bahagi ng Tulsa City sa estado ng Oklahoma sa Amerika.

Nabatid na napinsala ang ribs at collarbone ni Zac, maliban pa sa tinamong cracked scapula.

“Wednesday I was involved in a wreck on my motorcycle while preparing for an upcoming cross-country ride… Nothing is injured that won’t heal with a little rest and time, and a healthy dose of gaming!” saad ng 33-year-old musician.

Dagdag nito na maganda ang quality ng suot niyang protective gear.

Si Zac ang bunso sa mga kapatid at bandmates nitong sina Isaac at Taylor.

Ang Hanson ay pop rock band mula Oklahoma na sumikat noong dekada 90.

Wala naman anila silang balak na kanselahin ang upcoming concerts, bagkus ay hahanap ng pansamantalang ipapalit na drummer habang nasa recovery process pa si Zac.

Kabilang sa hit songs ng Hanson ay ang “MMMBop” kung saan 11-anyos pa lamang noon si Zac. (OMG)