-- Advertisements --

Nagwagi ng gintong medalya sa floor exercise sa FIG Artistic Gymnastics World Cup Series sa Doha, Qatar si Filipino gymnast Carlos Yulo.

Nagtala ito ng kabuuang 14,833 points sa floor exercise final.

Pumangalawa naman sa puwesto si Kazuki Minami ng Japan na mayroong 14,200 points habnag nasa pangatlong puwesto si Luke Whiteouse ng Great Britain na mayroong 13,966 points.

Ang nasabing panalo ay tila isang pagbawi matapos na hindi siya nakalahok sa unang bahagi ng World Cup sa Cottbus, Germany.