Nakikiisa ang “Young Guns” ng Kamara de Representates kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pagbibigay suporta sa P29 Rice Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na naglalayon na gawing abot-kaya ang presyo ng bigas para sa pamilyang Pilipino sa gitna ng tumataas na presyo ng bilihin at pagkaantala sa supply chain.
Para kay Assistant Majority Leader at Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong ang ₱29 Rice Program ay isang hakbang para masiguro na mayroong mabibiling murang pagkain ang bulnerableng sektor ng lipunan.
Kinilala naman ni Assistant Majority Leader at La Union 1st District Rep. Francisco Paolo Ortega V ang malaking tulong ng programa sa ekonomiya at lipunan. “The ₱29 Rice Program reflects the administration’s commitment to tackling inflation and providing immediate relief to those in need,” sabi nito.
Dagdag pa ng kinatawan, “Affordable rice is crucial for maintaining stability and improving the quality of life for millions. By ensuring that rice remains accessible at a low cost, we are not only helping families manage their daily expenses but also contributing to overall economic stability.”
Bukod sa makatutulong sa mahihirap nq pamilya, sinabi ni Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun na matutulungan din nito ang mga lokal na magsasaka na magkakaroon ng tiyak na merkado para sa kanilang mga ani ng hindi sila nagbebenta ng palugi.
Para naman kay 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez, kagyat nitong natutugunan ang pangangailangan sa pagkain ng taumbayan gayundin ang pagtiyak sa katatagan ng ekonomiya.
Pagpapatuloy pa niya, “This program ensures that nutritious food is within reach for all, promoting better health and well-being across the nation. It exemplifies our commitment to building a more equitable and sustainable food system for the future.”
Nakikita naman ni Deputy Majority Leader at Isabela 6th District Rep. Faustino “Inno” Dy V ang ₱29 Rice Program bilang susi para mapahupa ang pabago-bagong presyo ng bigas at pagkakaroon ng matatag na suplay para sa mga Pilipino.
Tinukoy naman ni Assistant Majority Leader at Nueva Ecija 1st District Rep. Mikaela Angela Suansing bilang pangmatagalang solusyon sa pagpapababa ng presyo ng bigas ang inaprubahang panukalang batas ng Kamara para amyendahan ang Rice Tariffication Law (RTL).
“These amendments are crucial in our fight to make rice more affordable for all Filipinos. By refining the RTL, we are directly addressing the root causes of high rice prices and ensuring that the benefits of lower tariffs are felt by our consumers,” paliwanag ni Suansing, na isa pangunahing may akda ng panukalang amyenda sa RTL.
Sabi pa nito, “The ₱29 Rice Program, in tandem with these legislative measures, underscores our commitment to providing immediate relief to Filipino families while also paving the way for long-term food security. This comprehensive approach ensures that rice remains within reach for everyone, particularly those who need it the most.”
Muli ring tiniyak ni Suansing ang naunanang pagsisiguro ni Speaker Romualdez na magpapatuloy ang suporta ng gobyerno sa mga lokal na pagsasaka sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
Positibo naman si Manila 3rd District Rep. Joel Chua sa magandang epekto ng pagpapatupad ng administrasyon sa ₱29 Rice Program.
“This initiative is a testament to what we can achieve with collaborative efforts. It’s an important step toward ensuring that every Filipino family has access to affordable and nutritious food,” sabi ni Chua.