-- Advertisements --

Inalis na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert status sa Visayas power grid nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa NGCP, epektibo alas-9:08 ng gabi nang ideklarang lifted na ang naturang alert status.

Sa kanilang abiso, iniulat ng ahensya na umabot sa 2,586 megawatts (MW) ang available capacity ng grid, habang nasa 2,282 MW naman ang kasalukuyang demand sa kuryente.

Ayon sa NGCP, naglalabas sila ng yellow alert status kapag hindi sapat ang operating margin upang matugunan ang kinakailangang contingency sa transmission grid.

Wala namang naiulat na aberya sa suplay ng kuryente kasunod ng pag-alis ng alert status.