-- Advertisements --

Binigyang-diin ni Parañaque 2nd District Rep. Brian Yamsuan na ang pagpasa sa Right-to-Information (RTI) Act ay hindi lamang tagumpay para sa mga mamamayan kundi proteksyon din para sa mismong gobyerno.

Ayon kay Yamsuan, maiiwasan na ang mga sitwasyon na maakusahan ang mga namumuno nang kung ano-ano kung ang desisyon at aksiyon ay documented naman lahat at maaring ma-access ng publiko.

Ipinaliwanag ni Yamsuan na layunin ng panukala na gawing mas madali ang fact-checking at puksain ang paglaganap ng fake news.

Sa ilalim ng bill, magkakaroon ng “legal presumption” pabor sa pagbibigay ng impormasyon; ibig sabihin, ang gobyerno ang may obligasyong magpatunay kung bakit hindi dapat ilabas ang isang dokumento, sa halip na ang publiko ang magmakaawa para rito.

Idinagdag din ng mambabatas na mahalaga ang pagtatatag ng RTI Commission bilang isang independent na quasi-judicial body na magbabantay sa implementasyon ng batas.

Aniya, isasama rin ang media at information literacy sa education curriculum upang simulan sa mga paaralan ang kultura ng civic engagement at responsableng paggamit ng impormasyon sa bansa.

“This measure, which our freedom-of-information champions have described as ’30 years in the making’ would not only prove to be beneficial to our citizens, ” pahayag ni Yamsuan, na siyang vice chairperson ng public information committee.