-- Advertisements --

Nananawagan si Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan sa Senado na ipasa na ang panukalang sasaklolo sa mga micro entrepreneurs mula sa mga ‘five-six” money lenders nang sa gayon magkaroon pa ang mga ito ng mga alternatibong access para sa iba pang mas mababang low-interest loans.

Inihain ni Yamsuan ang House Bill No. 7363 kung saan ino-otorisa nito ang Department of Trade and Industry (DTI) na palawigin ang pautang sa mga micro and small enterprises (MSEs) ng walang mga collateral at magbabayad sa pamamagitan ng easy-to-pay, low interest terms.
Ang HB 7363 ang panukalang ‘Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso Act’ (P3) ay malaking tulong sa mga maliliit na sari-sari store owners, carinderia operators, market vendors at iba pang maliliit na community-based entrepreneurs.
Sinabi ng Kongresista na sa pamamagitan ng nasabing panukala, 90 percenr sa mga negosyo na tinaguriang mga MSEs ang magbebenepisyo.

Aniya, karamihan sa mga may-ari ng MSE ay dumudulog sa mga ‘five-six’ na pautang na lalong maglulubog sa kanila sa utang dahil sa mataas na interest charges at mga hidden fees.

Upang masiguro na ang P3 ay agad na maging accessible sa MSEs, ino-authorize nito ang SBC na mag accredit ng Partner Financial Institutions (PFIs) na siyang magbibigay ng pautang sa ilalim ng programa gay ng mga rural banks, thrift banks, development banks, cooperative banks, cooperatives, non-stock savings and loan associations, microfinance institutions at iba pang mga qualified money lenders.

Ang HB 7363 ay inaprubahan na ng Kamara sa third and final reading nuong Marso ng nakaraang taon at nakabinbin ito ngayon sa kanilang counterpart ang senado para sa kanilang plenary approval.