Walang iniwan na mana ang pumanaw na beteranong actor na si Kirk Douglas.

Ang lahat kasi ng kaniyang yaman na aabot sa mahigit $61 million o mahigit P3.1 billion ay ibibigay niya sa charity.

Ilalagay nito ang yaman sa Douglas Foundation ang charity na itinaguyod nila ng asawang si Anne Buydens.

Tutulungang ng nasabing foundation ang mga mahihirap na walang kakayahang magpaaral ng kanilang anak at magpagamot sa mga pagamutan.

Ilan sa mga beneficiaries at scholars nito ay ang St. Lawrence Universities sa New York, Childrens’s Hospital sa Los Angeles at Anne Douglas Center for rehabilitating women sa Los Angeles.

-- Advertisement --

Magugunitang pumanaw ang actor noong Pebrero 5 sa edad na 103 na ama ng 75-anyos na actor din na si Michael.