Sa ika-anim na pagkakataon, napiling maging host muli ng Binibining Pilipinas ang aktor na si Xian Lim habang co-host naman nito si 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray.

Ito’y para sa matutuloy nang coronation ng 57th Binibining Pilipinas sa darating na April 17, araw ng Sabado.

Kabuuang 39 official candidates ang magpapatalbugan para sa apat na korona at beauty titles na Bb. Pilipinas International, Bb. Pilipinas Intercontinental, Bb. Pilipinas Globe, at Bb. Pilipinas Grand International.

At dahil hindi pa natatapos ang coronavirus pandemic, mahigpit na ipatutupad ang health protocols kung saan bawal ang audience sa loob ng Big Dome.

Kung maaalala, hindi natuloy ang coronation night ng 57th Binibining Pilipinas noong April 26, 2020 dahil sa coronavirus pandemic at sa enforced quarantine.