Ric Flair
Ric Flaire/ WWE

Labis ang kasiyahan ngayon ni dating wrestler Ric Flair matapos na ito ay tuluyan ng nakalabas ng pagamutan.

Pinuri nito ang kaniyang mga doctors na umasikaso sa kaniya kahit na gumastos ito ng halos $1.8 million.

Humingi naman ng paumanhin ang 70-anyos na wrestler dahil sa hindi ito agad nagsalita.

Nauna rito itinakbo sa pagamutan ang dating WWE star noong Mayo 16 matapos na makadama ng seryosong karamdaman.

Matapos ng ilang linggo ay sumailalim ito sa operasyon.
Dinalaw ito ng ng ilang mga dating wrestler gaya nina Triple H, Charles Barkley, Hulk Hogan at Offset.