Clemente Pabatang Tabugara Jr
Clemente Pabatang Tabugara Jr/ FB image

Zamboanga City – Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin maka recover sa kasiyahan ang nararamdaman ng isang Zamboangueño na si Clemente Tabugara Jr., sa nasungkit niyang ginto sa Southeast Asian Game 2019 sa larangan ng Wushu sanda, 65- kilogram division.

Aniya, isang malaking karangalan sa bansa ang nakamit niyang ginto matapos talunin ang kalaban niyang Thailand. Subalit bago pa man niya nasungkit ang ginto ay grabe naman ang kanyang mga pagsubok na nararanasan kagaya ng mga pasa at sakit ng katawan sa kanyang training.

Inalay naman niya ang kanyang gintong medalya, una sa Panginoon, pangalawa sa pamilya at bansa.

Samantala, malaki naman ang pasasalamat niya sa kanyang pamilya at maging sa lahat ng mga opisyal dito sa Zamboanga City.