Pia bikini NY 2

Hangad ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na magkaayos na ang car racer na si Marlon Stockinger at pamilya nito.

Pahayag ito ng 30-year-old Cagayan de Oro beauty kasunod ng kumpirmasyon na hiwalay na sila ng nasabing Fil-Swiss racer.

Kasabay nito ay nilinaw ng pangatlong Pinay Miss Universe na kailanman ay hindi umasa “financially” sa kanya ang ngayo’y ex-boyfriend at ang pamilya nito.

“It’s true that Marlon and I are no longer together. I wish him and his family well, and out of respect for them, let me make it clear—Marlon and his family never depended on me financially,” bahagi ng official statement ni Pia sa pamamagitan ng kanyang business manager na si Rikka Infantado Fernandez:

Dagdag pa ni Wurtzbach na hindi na siya muli magsasalita hinggil sa pagtatapos ng humigit-kumulang tatlong taong relasyon nila ng 28-year-old car racer bilang magkasintahan.

November 2016 naging pormal ang tila “on-and-off” na relasyon nina Pia at Marlon.