-- Advertisements --

Nagbitiw sa kaniyang puwesto si World Trade Organization (WTO) director-general Roberto Azevedo.

Magiging epektibo ang kaniyang resignation hanggang Agosto 31.

Roberto Azevedo
Roberto Azevedo/ Twitter Image

Nakatakda sanang magtapos ang kaniyang termino ng hanggang Setyembre 2021.

Nagkaroon ng aberya ang operasyon ng WTO noong nakaraang taon dahil sa pagtanggi ni US President Donald Trump na aprubahan ang nominees para punan ang mga bakanteng puwesto.

Ang pagibitiw ng Brazilian diplomat ay ikinagulat ng mga opisyal ng Geneva at Brussels.

Itinanggi naman ng 62-anyos na si Azevedo na ang pag-alis nito sa puwesto ay dahil kay Trump.

Nais lamang aniya nito na makahanap ang WTO ng mas batang mamumuno sa nasabing asosasyon.