-- Advertisements --

ILOILO CITY – Papasok na rin ang National Police Commission (NAPOLCOM) sa imbestigasyon hinggil sa umano’y pagpatay ng mga kasapi ng Iloilo City Police Office sa isang sibilyan na napagkamalang subject sa drug buy busy operation sa North Baluarte Molo, Iloilo City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay NAPOLCOM Region 6 Director Atty. Joseph Celis, sinabi nito na tutulong sila sa pag-iimbestiga upang malaman kung may kasalanan ang pulis na bumaril sa biktimang si Karl Dannielle Bolante, 27-anyos residente ng nasabing lugar.

Ayon kay Celis, nirerespeto niya ang “motu proprio” investigation ng Regional Internal-Affairs Service kung saan mismong si Philippine National Police Chief Police General Guillermo Lorenzo Eleazar ang nag-utos na imbestigahan ang pangyayari.

Nilinaw naman ni Celis na hindi pa dapat maglabas ng konklusyon sa insidente.