Nagbayad ng 11 million dollars na ransom ang world’s largest meat processing company na JBS upang matigil na ang cyber-attack.
Ginawa ang bayad gamit ang Bitcoin.
Sinabi ng JBS na kinakailangan nilang magbayad upang maprotektahan ang kanilang mga customer.
Ayon kay JBS chief executive Andre Nogueira napasok ng hacker ang kanilang computer network at nagbanta na gagambalain o tatanggalin ang kanilang mga file kung hindi magbabayad ng ransom sa pamamagitan ng cryptocurrency.
Aniya, napakahirap na desisyon ang kanilang ginawa para sa kanilang kompaniya at sa personal para kay Andre Nogueira, CEO ng JBS USA.
Idinagdag ng kompaniya na binayaran nito ang pera dahil sa pagiging sopistikado ng pag-atake.
Napilitan ang kompaniya na ihinto ang pagpatay sa mga baka sa lahat ng mga halaman sa US sa loob ng isang araw.
Ang pagkatigil na iyon ay malaking epekto sa mga supply ng pagkain at nanganganib sa mas mataas na presyo ng pagkain para sa mga mamimili.
Kung maalala, ang mga network ng computer sa JBS ay na-hack noong nakaraang linggo kung kaya’t pansamantalang isinara ang ilang operasyon sa Australia, Canada at US.
Nauna nang sinabi ng White House na ang criminal organization na nakabase sa Rusya ang responsable umano sa nangyaring pang-aatake sa computer systems. (with reports from Bombo Jane Buna)